Lunes, Setyembre 24, 2012

Mali-maling Ingles: Not only in the Philipines


Sa pagsasahimpapawid ng isang nangungunang programang pambalitaan sa telebisyon kahapon, Biyernes, ika-28 ng Abril, may isang ulat tungkol sa mga nakatatawa at nakadidismayang mali-maling Ingles sa iba't ibang lugar sa ating bansa. Ang karamihan sa mga pagkakamaling iyon ay matatagpuan sa mga patalastas ng mga produkto at serbisyo. Subalit ang nakalulungkot sa naturang ulat ay ang kongklusyon ng reporter:

 

"Mali-maling Ingles ... ano pa nga ba kundi only in the Philippines!"

 

Nakalulungkot ang kongklusyong iyon, dahil ang totoo ay hindi lámang sa Pilipinas matatagpuan ang mga mali-maling Ingles. Tunghayan natin ang ilang halimbawa.

 

Sa Gran Britanya (ang pinagmulan ng Ingles):

 

"English has a legal or official status or heavy influence in 115 countries. Language Today lists it as the most influential language in the world. But in its birthplace, the home of some of its greatest orators, Britain's last great institution is vanishing. An entire segment of British society is unable to communicate effectively.

 

"University professors are finding that many of their students cannot communicate effectively at all. 'Spelling and punctuation is only part of the problem,' said Prof. Tony Marcel. 'Their vocabulary is poor and mistaken; they have little idea of syntax, cannot punctuate, and seem to have no idea of what constitutes a sentence.'

 

"The Telegraph reports that 'thousands of children leave school too innumerate and illiterate to hold down a job.' Illiteracy equals unemployment."

 

—Richard Palmer, "The Incomprehensible Generation," The Philadelphia Trumpet (Edmond, Oklahoma), April 2009, p. 15.

 

Sa Estados Unidos:

 

"I hear ... many hirers and employers complain about constantly finding résumés that have multiple grammatical, spelling or various other language usage errors. In fact, in a survey I took a few years ago, scores of hirers, HR managers, employers and recruiters unanimously proclaimed that—even with automatic spell-check embedded in our word processors—this was still the most common problem they had with résumés."

 

—Jesse Frederick, "Does Your Résumé Demand Attention?" The Philadelphia Trumpet (Edmond, Oklahoma), February 2012, p. 15.

 

Sa Tsina:

 

Nang idaos sa Beijing, Tsina, ang Palarong Olimpiko noong Agosto 2008, naging isang isyu ang Chinglish, o ang mali-maling pag-iingles ng mga Tsino. Gumawa ng mga hakbang ang pamahalaan ng Tsina upang hindi ito makapagdulot ng mga kalituhan sa mga dayuhan.

 

Bilang karagdagan sa mga mali-maling Ingles sa iba pang panig ng mundo, maaaring tunghayan ang Web site na ito: http://www.joe-ks.com/Engrish.htm.

 

Ang mga nagsasabi na sa Pilipinas lámang nangyayari ang mga mali-maling Ingles ay:

 

1. Mga sinungaling, dahil hindi naman ito totoo;

 

2. Makikitid ang isip, dahil sa dinami-rami ng bansa sa buong mundo, mahigit 200, ang Pilipinas lámang ang naiisip nilang may pagkakamali, at hindi na makalabas mula sa ganoong pagtanaw ang kanilang mga isip;

 

3. Mga iresponsable, dahil hindi naman nila iniisa-isa ang mahigit 200 iba pang bansa upang matiyak na sa Pilipinas lámang talaga ang mga kamaliang ito;

 

4. Matitigas ang mga ulo, dahil ipinababatid na nga sa kanila at sa gayon ay alam na nila na hindi lámang sa Pilipinas ang mga kamaliang ito, aba'y pilit pa ring ipinalulunok sa madla ang kasinungalingang ito;

 

5. Makakapal ang mga mukha, dahil sa harap-harapang pagsisinungaling at pagiging iresponsable;

 

6. At mga walang modo, dahil nilalabag nila ang pangunahing tungkulin ng pamamahayag: Ang ipaalam at ituro sa madla ang kung ano ang totoo at tama.

 

Ang ugaling ito na pagsasabi ng "only in the Philippines" bilang isang tugon sa mga maling bagay na nangyayari sa ating bansa ay isang malala nang sakit ng maraming peryodista, komentarista, at iba pang indibiduwal. Isang sakit na bunga ng kanilang pagiging mga sinungaling, makikitid ang isip, iresponsable, matitigas ang ulo, makakapal ang pagmumukha, at walang modo.

 

Ituwid na lamang natin ang mga mali-maling Ingles natin. At kung magkakamali pa rin, ituwid pa rin natin.

Mali-maling Ingles: Not only in the Philipines


Sa pagsasahimpapawid ng isang nangungunang programang pambalitaan sa telebisyon kahapon, Biyernes, ika-28 ng Abril, may isang ulat tungkol sa mga nakatatawa at nakadidismayang mali-maling Ingles sa iba't ibang lugar sa ating bansa. Ang karamihan sa mga pagkakamaling iyon ay matatagpuan sa mga patalastas ng mga produkto at serbisyo. Subalit ang nakalulungkot sa naturang ulat ay ang kongklusyon ng reporter:

"Mali-maling Ingles ... ano pa nga ba kundi only in the Philippines!"

Nakalulungkot ang kongklusyong iyon, dahil ang totoo ay hindi lámang sa Pilipinas matatagpuan ang mga mali-maling Ingles. Tunghayan natin ang ilang halimbawa.

Sa Gran Britanya (ang pinagmulan ng Ingles):

"English has a legal or official status or heavy influence in 115 countries. Language Today lists it as the most influential language in the world. But in its birthplace, the home of some of its greatest orators, Britain's last great institution is vanishing. An entire segment of British society is unable to communicate effectively.

"University professors are finding that many of their students cannot communicate effectively at all. 'Spelling and punctuation is only part of the problem,' said Prof. Tony Marcel. 'Their vocabulary is poor and mistaken; they have little idea of syntax, cannot punctuate, and seem to have no idea of what constitutes a sentence.'

"The Telegraph reports that 'thousands of children leave school too innumerate and illiterate to hold down a job.' Illiteracy equals unemployment."

—Richard Palmer, "The Incomprehensible Generation," The Philadelphia Trumpet (Edmond, Oklahoma), April 2009, p. 15.

Sa Estados Unidos:

"I hear ... many hirers and employers complain about constantly finding résumés that have multiple grammatical, spelling or various other language usage errors. In fact, in a survey I took a few years ago, scores of hirers, HR managers, employers and recruiters unanimously proclaimed that—even with automatic spell-check embedded in our word processors—this was still the most common problem they had with résumés."

—Jesse Frederick, "Does Your Résumé Demand Attention?" The Philadelphia Trumpet (Edmond, Oklahoma), February 2012, p. 15.

Sa Tsina:

Nang idaos sa Beijing, Tsina, ang Palarong Olimpiko noong Agosto 2008, naging isang isyu ang Chinglish, o ang mali-maling pag-iingles ng mga Tsino. Gumawa ng mga hakbang ang pamahalaan ng Tsina upang hindi ito makapagdulot ng mga kalituhan sa mga dayuhan. Tunghayan ang mga sumusunod na larawan:

Bilang karagdagan sa mga mali-maling Ingles sa iba pang panig ng mundo, maaaring tunghayan ang Web site na ito: http://www.joe-ks.com/Engrish.htm.

Ang mga nagsasabi na sa Pilipinas lámang nangyayari ang mga mali-maling Ingles ay:

1. Mga sinungaling, dahil hindi naman ito totoo;

2. Makikitid ang isip, dahil sa dinami-rami ng bansa sa buong mundo, mahigit 200, ang Pilipinas lámang ang naiisip nilang may pagkakamali, at hindi na makalabas mula sa ganoong pagtanaw ang kanilang mga isip;

3. Mga iresponsable, dahil hindi naman nila iniisa-isa ang mahigit 200 iba pang bansa upang matiyak na sa Pilipinas lámang talaga ang mga kamaliang ito;

4. Matitigas ang mga ulo, dahil ipinababatid na nga sa kanila at sa gayon ay alam na nila na hindi lámang sa Pilipinas ang mga kamaliang ito, aba'y pilit pa ring ipinalulunok sa madla ang kasinungalingang ito;

5. Makakapal ang mga mukha, dahil sa harap-harapang pagsisinungaling at pagiging iresponsable;

6. At mga walang modo, dahil nilalabag nila ang pangunahing tungkulin ng pamamahayag: Ang ipaalam at ituro sa madla ang kung ano ang totoo at tama.

Ang ugaling ito na pagsasabi ng "only in the Philippines" bilang isang tugon sa mga maling bagay na nangyayari sa ating bansa ay isang malala nang sakit ng maraming peryodista, komentarista, at iba pang indibiduwal. Isang sakit na bunga ng kanilang pagiging mga sinungaling, makikitid ang isip, iresponsable, matitigas ang ulo, makakapal ang pagmumukha, at walang modo.

Ituwid na lamang natin ang mga mali-maling Ingles natin. At kung magkakamali pa rin, ituwid pa rin natin.

Sabado, Setyembre 1, 2012

Kung nag-iingles tayong mga Pilipino, dapat ba tayong mag-isip bilang mga Amerikano?


Para sa ilan, kapag ang takbo ng isip ng isang Pilipino ay sa wikang Filipino, dapat lámang siyang magsalita o magsulat sa wikang Filipino rin. Hindi siya dapat magsalita o magsulat sa Ingles. At kapag ang takbo ng isip niya ay nasa Ingles na, doon na siya may karapatang magsalita o magsulat sa Ingles.

 

Tama ba naman ang ganitong pananaw?

 

Mahigit apat na bilyong tao sa buong mundo ang hindi katutubong Inglesero. Pero kung mag-iingles na sila, dapat ba muna nilang baguhin ang kani-kanilang mga pag-iisip at dapat ay itulad ang mga iyon sa pag-iisip ng mga katutubong Ingleserong Britaniko, Irlandes, Amerikano, Canadiano, Australyano, at Nueva Zealandes?

 

Para sa akin, ang isang Pilipino o sinupamang hindi katutubong Inglesero ay hindi na kailangang mag-isip bilang katutubong Inglesero kung siya ay nag-iingles. Hangga't wasto ang gamit niya ng balarila, balangkas ng pangungusap, baybay, at mga bantas, sapat na sapat na iyon upang siya'y makapag-ingles. Kasi, kung pipilitin pa niyang matulad sa mga Amerikano at iba pang katutubong Inglesero, hinuhubaran na niya ang kanyang sarili ng kanyang identidad. Bakit naman niya kailangang gawin iyon kung maaari naman siyang makapag-ingles sa paraang likas sa kanya, tama siya, at nauunawaan siya?

 

At hindi talaga kailangang matulad ang mga hindi katutubong Inglesero sa mga Amerikano at iba pang katutubong Inglesero kapag nag-iingles na. Bakit? Kasi, maging ang mga katutubong Inglesero ay may mga pagkakaiba rin ang kani-kanilang mga Ingles. Tunghayan:

 

Amerikano - Britaniko

hood - bonnet

trunk - boot

truck - lorry

on the weekend - at the weekend

on a team - in a team

please write me soon - please write to me soon

Pinangkunan:


 

Hayan, kung silang mga katutubong Inglesero ay may mga pagkakaiba ang Ingles, likas lamang na iba-iba rin kung mag-ingles ang mga hindi katutubong Inglesero. Muli, walang problema sa ganito hangga't wasto at nauunawaan ang kani-kanilang Ingles.

 

Ano ang nangyari kay Renato?

Pillipinong Ingles: What happened to Renato?

Amerikanong Ingles: What has come over Renato?

 

Inirapan ni Miriam si Conchita.

Pilipinong Ingles: Miriam glared at Conchita.

Amerikanong Ingles: Miriam gloated over Conchita.

 

Pumasok si Mang Serafin sa isang kuweba at pagkatapos ng tatlong oras ay lumabas nang nakangiti at pahimas-himas pa ng tiyan.

Pilipinong Ingles: Mr. Serafin entered a cave and after three hours came out of it grinning and caressing his stomach.

Amerikanong Ingles: Mr. Serafin went into a cave and three hours later got out of it smiling and caressing his belly.

 

Ilang taon ka na?

Pilipinong Ingles: How old are you?

Amerikanong Ingles: So, you're 15, 16, what--?

 

Anong kapatid mayroon ka, lalaki o babae?

Pilipinong Ingles: What do you have for a sibling, a brother or a sister?

Amerikanong Ingles: Do you have brothers or sisters?

 

Marunong kang magsalita ng Ingles?

Pilipinong Ingles: Do you know how to speak English?

Amerikanong Ingles: Do you speak English?

Korupsiyon vs. korapsiyon


Sa pagbaybay ng mga hinihiram na salitang banyaga, isinaalang-alang ang dalawang di-nakasulat na pamantayang ito:

1. Kung ano ang madulas sa dila, at

2. Kung ano ang mainam sa pandinig.

Kaya, sa Filipino, ang Ingles na conscience at ang Espanyol na consciencia ay hindi konsiyensiya kundi konsensiya. Itong huli ang mas madaling bigkasin at mas mainam pakinggan. Nakapipilipit ng dila at nakapagpapaling ng ulo ang konsiyensiya. Dati, ipinagpipilitan ang konsiyensiya, subalit ang higit na tingganggap ng madla ay ang konsensiya.

Hindi tanggap: "Wala kang kakonse-konsiyensiya!"

Ang tanggap: "Wala kang kakonse-konsensiya!"

Naririto ang ilan pang halimbawa ng baybay ng mga hiram na salitang banyaga na siyang higit na niyakap ng publiko:

aplaya sa halip na playa.

hiyas sa halip na oyas (joyas).

kasilyas sa halip na kasiyas (casillas).

labi sa halip na labiya (labia).

pader sa halip na pared.

sundalo sa halip na suldado (soldado).

Maging ang ilan sa mga salitang katutubo na ginagawang kolokyal ay sumusunod din sa nabanggit na dalawang pamantayan. Narito ang ilang halimbawa:

Noong dekada 1960, nauso ang pagbaligtad ng mga salita. Ang father at mother ay ginawang erpat at ermat, ayon sa pagkakasunod.

Ang bahay ay ginawang hayba; subalit sa kalaunan, ito ay naging haybol, dahil mas bumabaon iyon sa dila at sa pandinig.

Ganoon din ang kotse. Sa una, sekot ito. Datapuwa, higit na nanaig ang tsekot sa kalaunan.

Nangyari rin ito sa hiya. Sa una, yahi lang muna ito. Ngunit higit na hiningi ng dila at tainga na ito ay maging dyahi.

Sa ngayon, ipinagpipilitan ang korupsiyon bilang ang wastong baybay ng hiram na salitang banyagang ito. Hinango ito mula sa Espanyol na corrupción, hindi mula sa Ingles na corruption. Para sa marami, hindi yata ito madulas sa dila at mainam sa tenga. Mas maluwag bigkasin at mas mataginting ang korapsiyon.

Alin kaya sa dalawa ang higit na mananaig at tatanggapin ng publiko sa kalaunan?