Miyerkules, Disyembre 30, 2015

Kahit Sikát at may Ph.D, Nagkakamali pa rin ang mga Historians


Ang mga historians o historyador ay mga tao rin. Kahit sikát at may Ph.D (doktorado sa pilosopiya), nagkakamali pa rin silá.

Kayâ, kung may isang tao na nakapansin sa isang mali na sinabi o isinulat ng isang historyador, dapat bang hayaan na lámang niya ang pagkakamali na iyon, dahil sikát at may Ph.D ang historyador? Kung papansinin naman niya ang mali, tama bang ikatwiran ng ibang tao ang ganito:

“Sino ka para sabihin na mali ang sinabi o isinulat ng historyador na iyon? Sikát iyon at may Ph.D. Ikaw, sino ka at anong mayroon ka? Wala kang pangalan at karapatang kuwestiyon ang mga sinabi o isinulat niya.”

Ang anumang pagkakamali ay pagkakamali. Hindi dapat hayaan na lámang iyon, lalo na kung makapipinsala sa ibang tao.

 

Sina Hernandez at Zaide

Kunin nating halimbawa bílang mga nagkamaling historyador ang dalawang Pilipinong historyador na sikát at may Ph.D: sina Dr. Leandro H. Fernandez at Dr. Gregorio F. Zaide.

Si Dr. Leandro H. Fernandez (1889-1948) ay ipinadala noong 1909 ng gobyerno ng Pilipinas sa Estados Unidos bílang isang pensionado o iskolar ng gobyerno. Nagtapos siya ng digring batsilyer sa pagtuturo sa Tri-State College sa Indiana noong 1910 at ng digring batsilyer sa pilosopiya sa University of Chicago noong 1912. Nakamit naman niya ang kanyang doktorado sa pilosopiya noong 1926 sa Columbia University. Ang aklat niyang A Brief History of the Philippines ay inilathala noong 1919 at naging isa sa mga unang aklat pangkasaysayan na isinulat ng isang Pilipino at ginamit sa mga paaralan sa Pilipinas.

Si Dr. Gregorio F. Zaide (1907-86) ay nagtapos ng Ph.B in History at MA in History sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1929 at 1931, ayon sa pagkakasunod. Natapos din niya ang kanyang Ph.D sa pilosopiya at kasaysayan sa Unibersidad ng Santos Tomas. Sa mga historyador na Pilipino, si Zaide ang pinakasikát at ang may pinakamaraming naisulat na aklat pangkasaysayan (mahigit 100). Mula pa noong dekada 1950, ang mga teksbuk pangkasaysayan na isinulat niya ay ginagámit na sa mga paaralang elementarya, sekondarya, at kolehiyo sa Pilipinas.

 

Ang Isang Pagkakamali nina Hernandez at Zaide

Dahil tao lámang sina Fernandez at Zaide, nagkakamali rin silá kahit mga sikát at may Ph.D. Heto ang isa nilang pagkakamali.

Sa kanyang aklat na Philippine History: Development of Our Nation (Maynila: Bookman, Inc., 1961), ganito ang isinulat ni Zaide sa p. 306:

“General Malvar, the guiding spirit of a dying cause, surrendered in Lipa on April 16, 1902. He was the last Filipino general to surrender to the Americans. …”

Ayon kay Zaide, si Malvar ang hulíng heneral na Pilipino na sumuko sa mga mananakop na Amerikano. Ilang dekada na itinuro sa mga paaralan ang impormasyong ito. Pero mali ito, dahil hindi si Malvar ang hulíng Pilipinong heneral na sumuko sa mga Amerikano. Inabot pa muna ng ilang dekada at maraming henerasyon ng mga mag-aaral na Pilipino ang naturuan ng maling impormasyong ito bago ito naituwid.

Si Zaide mismo ang nagtuwid sa kanyang pagkakamali. Sa isa pa niyang aklat, The Pageant of Philippine History, Ikalawang Tomo (Maynila: Philippine Education Company, 1979), ganito ang pagtutuwid ni Zaide sa p. 333:

“In former years Filipino historians, including the author of this book, were of the belief that General Malvar was the last Filipino general in the War of Philippine Independence to surrender to the Americans. This misconception was caused by (1) two early Filipino historians, Dr. Leandro H. Fernandez and Dean Conrado Benitez, who popularized the myth that General Malvar of Batangas was the last Filipino general to surrender and (2) lack of knowledge then of the life and role of General Simeon Ola of Albay Province in the war against the United States.

“The author of this book, after an intensive research on the pertinent sources, primary and secondary, sincerely believe that in the rewriting of Philippine history General Simeon Ola (1865-1952) should be accorded the honor of being the last Filipino general to surrender to the Americans. …”

Inamin ni Zaide ang pagkakamali niya tungkol sa kung sino ang hulíng Pilipinong heneral na sumuko sa mga Amerikano. Inamin pa niya na namana niya ang pagkakamaling iyon sa mga historyador na nauna sa kanya, sina Dr. Leandro Fernandez at Dekano Conrado Benitez.

Hayan, kahit sikát at may Ph.D, nagkakamali rin ang mga historyador. Mabuti na lámang at ang katulad ni Zaide ay umaamin at itinutuwid ang kanyang pagkakamali. Hindi tulad ng maraming historyador na matitigas ng ulo at ayaw pang magsiamin, kahit lantaran nang nakikita ang kanilang mga pagkakamali.

 

Ang Dapat Gawin sa Pagkakamali

Sipiin natin ang sinabi ng Amerikanong iskolar na si Dr. Michael Heiser tungkol sa kung ano ang dapat gawin sa isang pagkakamali. Si Dr. Heiser ay nagsusulat ng mga blog na bumabatikos sa mga aklat tungkol sa mga di-umano’y sinaunang astronaut na isinulat ng mga pseudo-historyador na gaya ng Azerbaijani-Amerikanong si Zecharia Sitchin. Sa unang pahina ng kanyang website, ipinaliwanag ni Heiser kung bakit niya binabatikos si Sitchin:

“Welcome to the website devoted to addressing the claims of the ancient astronaut hypothesis popularized in the writings of Zecharia Sitchin. Who's behind this site? My name is Mike Heiser. Who am I?  The short answer is that I'm a scholar of biblical and ancient Near Eastern languages, cultures, and religions. Why do I bother with this stuff? Because I don't like ancient texts manipulated to promote false claims.

“If I were a lawyer I'd feel professionally obligated to tell you if someone was giving you bad legal advice. If I was a medical doctor, I'd owe you the truth if I knew the medicine you were taking was bogus or could kill you. If I was an accountant, I'd let you know if a neighbor's tax advice could put you in jail. I'm none of those things, but take the analogy to heart. I'm trying to provide the same service in my areas of expertise.

“I can tell you--and show you--that what Zecharia Sitchin has written about Nibiru, the Anunnaki, the book of Genesis, the Nephilim, and a host of other things has absolutely no basis in the real data of the ancient world. I don't doubt that Zecharia Sitchin is a nice guy; he's just wrong. Nothing personal.”

Tama si Dr. Heiser. Iwasto dapat ang isang pagkakamali. Iyan ang nararapat gawin sa isang pagkakamali. At hindi pamemersonal ang ganyan.

Kung nakita ng isang doktor na mali ang ibinibigay na gamot ng kapwa niya doktor sa mga pasyente, dapat niyang ituwid ang pagkakamali ng kapwa niya doktor. Kung hindi niya itutuwid, maaaring mapahamak ang mga pasyente.

Kung nakita ng isang inhinyero na mali ang bakal na inilagay ng kapwa niya inhinyero sa isang ginagawang tulay, dapat niyang ituwid ang pagkakamali ng kapwa niya inhinyero. Kung hindi niya itutuwid, maaaring bumagsak ang tulay at mapahamak ang mga táong tumatawid doon.

Kung nakita ng isang dentista na mali ang ginagawang pagbunot sa ngipin sa mga pasyente ng isang kapwa niya dentista, dapat niyang ituwid ang pagkakamali ng kapwa niya dentista. Kung hindi niya itutuwid, maaaring mapinsala ang mga pasyente.

Kung ikaw na isang mambabása, mag-aaral, guro, manunulat, iskolar, o simpleng mahiligin sa kasaysayan ng Pilipinas ay may napansin na maling sinabi o isinulat ng isang historyador na sikát at may Ph.D, hahayaan mo na lámang ba ang pagkakamali na iyon, dahil sa rason na ang historyador na iyon ay sikát at may Ph.D?

Kung gagawin mo iyan, papaano na ang makaririnig o makababása sa pagkakamali ng historyador? Isang maling impormasyon ang maitatatak sa isip ng táong nakaririnig o nakababása. Hahayaan mo lámang ba na makarinig o makabása ng mali ang kapwa mo? Kung may malasakit ka sa kapwa mo, itutuwid mo ang pagkakamali ng historyador, kahit pa siya sikát at may Ph.D.

 

Ang Pagtutuwid sa Mali

Papaano itutuwid ang isang pagkakamali ng isang historyador? Simple lámang. Suriing mabuti ang mga pangunahing batayan (primary sources) sa kasaysayan. Ang mga batayang iyan ang magagámit na mabisang kasangkapan upang maituwid ang mali.

Kayâ nga lamang, dapat ay may pampropesyonal na pagsasanay (professional training) sa kasaysayan ang isang magtutuwid. Kung wala siya nito, maaaring palalain pa niya ang mali.

May nakita akó sa Internet na isang tao na ang akala sa sarili ay napakahusay na niya sa kasaysayan ng Pilipinas. Subalit ang pagkakaalam niya ay ang artikulong pangulong-tudling (editorial article) ay isang ulat balita (news report) at dapat daw ay nakalagay sa artikulong pangulong-tudling ang pangalan ng sumulat ng artikulo.

Umabot na siya sa ganoong edad (60), pero hindi pa niya lubusang nalalaman kung ano ang news report at ang editorial article. Kapag ganyan ang antas ng utak ng isang magtutuwid sa isang pagkakamali ng isang historyador, bakâ ang susunod na mangyayari ay ang wakas na ng sangkatauhan.

Nakatatákot.

 

Talâsanggunian

Filipinos in History. Maynila: National Historical Institute. Ikatlong Tomo: 1994. Ikaapat na Tomo: 1994.


Zaide, Gregorio F. Philippine History: Development of Our Nation. Maynila: Bookman, Inc., 1961.

_______________. The Pageant of Philippine History. Ikalawang Tomo. Maynila: Philippine Education Company, 1979. ●

Linggo, Disyembre 27, 2015

Opisyal na Nagkaroon ng Araw ni Rizal Dahil sa Isang Pilipino






OPISYAL na nagkaroon ng pagdiriwang ng Araw ni Rizal (Rizal Day), dahil sa isang batas na inaprubahan ng isang pambansang lider na Pilipino.


Noong ika-20 ng Disyembre 1898, nilagdaan ni Pang. Emilio Aguinaldo ang isang cautusan o decreto na nagdedeklara sa ika-30 ng Disyembre (araw ng kamatayan ni Jose Rizal) bílang isang pambansang araw ng pagluluksa.


Si Aguinaldo ang pangulo noon ng Gobierno Revolucionario (Panghimagsikang Pamahalaan), ang pambansang pamahalaan ng mga Pilipino. Itinatag ang pamahalaang iyon noong ika-23 ng Hunyo 1898, sa Kawit, Cavite, at mula noong Setyembre 1898 ay nakahimpil na iyon sa Malolos, Bulacan.


Ang kautusang iyon ni Aguinaldo ang kauna-unahang batas na nagtatakda sa ika-30 ng Disyembre bílang isang pambansang pista opisyal. Ang mga sumunod na batas tungkol sa Araw ni Rizal ay pagsang-ayon at pagsunod na lámang sa pinasimulan ng kautusang iyon—ang pagdiriwang sa ika-30 ng Disyembre bílang isang pambansang pista opisyal.




Ang Kautusan

Ang naturang kautusan ni Aguinaldo ay may teksto sa Espanyol at Tagalog. Naririto ang buong teksto niyon sa Tagalog:


GOBIERNO REVOLUCIONARIO NANG FILIPINAS

________________

CAUTUSAN


G. EMILIO AGUINALDO AT FAMY

Presidente nang Gobierno Revolucionario nang Filipinas at Pañgulong General nang Caniyang Hocbo.

Sa paglingap sa ninanasá nang bayang Filipinas, at paghaha-yag nang mahal at dalisay niyang adhica, ay iniuutos co:

Una. Alang-alang sa manga daraquilang filipinong uagás magsilingap sa tinubuang bayan na si Dr. Rizal at iba pa, na pinasaquitan nang lumipas nang capangyarihang castila, ay itinuturing na arao nang paglulucsa nang boong sangcapuluan ang ica 30 nang Diciembre.

Icalaua. Dahil dito’y mulá pa sa tanghali ng ica 29, hangang sa tanghalian ng ica 30, ay ilalad-lad ang ating bandila hangang calahatian lamang ng tagdang, pinacatandá nang pag lulucsá.

Icatlo. Sa maghapon ng ica 30 ng Diciembre ay ualang pasoc ang lahat ng sacop nang Gobierno Revolucionario.

Icalat at ihayag ito upang matahó nang lahat.

Lagda sa Malolos nang ica 20 nang Diciembre nang 1898.

Emilio Aguinaldo

Ang kautusang ito ni Aguinaldo ay unang nalathala sa ikalawang pahina ng pahayagang Republica Filipina sa isyu nito noong ika-24 ng Disyembre 1898.


Ang Pagdiriwang ng Unang Opisyal na Araw ni Rizal

Noong Biyernes, ika-30 ng Disyembre 1898, ipinagdiwang ang kauna-unahang opisyal na Araw ni Rizal. Pangunahing isinagawa ito sa Malolos. Ang mga sumusunod ang isinagawang aktibidad para sa natatanging araw na ito:

1. Mula tanghali ng ika-29 ng Disyembre hanggang sa tanghali ng sumunod na araw, inilagay sa kalahating tagdan ang watawat ng Pilipinas.

2. Walang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa buong maghapon ng ika-30 ng Disyembre.

3. Sa gabi ng ika-30 ng Disyembre, nagdaos ang Club Filipino ng isang programang musikal-pampanitikan sa Maynila. Sa programang iyon, binása ang ilang tula ni Rizal, at may mga binigkas na talumpati tungkol sa búhay at mga akdang pampulitika ni Rizal.

4. At ang mga panghimagsikang pahayagang La Independencia at Republica Filipina ay naglabas ng mga espesyal na isyu noong ika-29 at 30 ng Disyembre, ayon sa pagkakasunod, upang dakilain ang natatanging araw na ito. Inilathala sa mga isyu na iyon ang ilang sanaysay at tula ni Rizal, at mga artikulong pumupuri sa búhay at kadakilaan ni Rizal.


Ang mga Anti-Rizal

Ang mga anti-Rizal ay ang mga táong galít kay Rizal at sa pagiging pambansang bayani nito. At dahil galít, marami ang mga ipinupukol nilang paninirà kay Rizal.

Ang pinakatanayag sa mga paninirà nila ay si Rizal daw ay American-sponsored national hero o ang pinili ng mga mananakop na Amerikano na maging ang pambansang bayani. Noong 1901, nagpúlong daw ang mga awtoridad na Amerikano at ang mga kasabwat nilang elitistang Pilipino upang pumili ng pambansang bayani ng Pilipinas. Ang púlong na iyon ay pinangasiwaan daw ni William Howard Taft, ang Amerikanong Gobernador Sibil ng Pilipinas.

Pinagpilian daw nila sina Rizal, Bonifacio, Aguinaldo, Mabini, del Pilar, at iba pa. Matapos ang mga deliberasyon, pinili raw mismo ni Taft si Rizal na maideklarang pambansang bayani. Ang pagkakadeklara raw na iyon ni Taft ang siyang pinagmulan ng Araw ni Rizal.

Ang mga patunay kung totoo man na nangyari ang púlong na iyon ay ang minutes of the proceedings (mga talâ ng mga pangyayari) sa púlong na niyon at ang batas mismo na nilagdaan ni Taft at nagdedeklara kay Rizal bílang ang pambansang bayani.

Subalit hanggang ngayon, ang mga anti-Rizal ay wala pang maipakita ni isang katiting na dokumentong ganoon, lalo na ang batas na di-umano’y nilagdaan ni Taft at nagdedeklara kay Rizal bílang ang pambansang bayani. Nangamamatay na lámang ang marami sa mga anti-Rizal na hindi napatutunayan ang kanilang mga paninirà kay Rizal.


Ang Nagdudumilat na Katotohanan

Walang anumang dokumento na makapagpapatunay na may naganap noong 1901 na isang púlong na di-umano’y naghalal sa magiging pambansang bayani ng Pilipinas, at walang nilagdaan si Taft na batas, proklamasyon, o anupamang dokumento na nagdedeklara kay Rizal bílang ang pambansang bayani.

Ang nagdudumilat na katotohanan ay isang pambansang lider na Pilipino ang lumagda sa kauna-unahang batas na nagtatanghal sa ika-30 ng Disyembre bílang isang pambansang pista opisyal (hindi isang Amerikano), at mga Pilipino ang nagpasimula sa pagdiriwang ng pista opisyal na iyon (hindi ang mga Amerikano).

Subalit pilit itong itinatanggi ng mga anti-Rizal, dahil sa hangad nilang matadyakan si Rizal mula sa pagiging pambansang bayani nito. Anuman ang gawing paninirà nila kay Rizal, mananaig pa rin ang katotohanan.


Talâsanggunian

Cautusan ni Hen. Emilio Aguinaldo na may petsang ika-20 ng Disyembre 1898, Republica Filipina, Dis. 24, 1898 (Mandaloyon), p. 2.

F. G. “El Luto Nacional.” La Independencia (Maynila) Disyembre 31, 1898, p. 2.

Guevarra, Sulpicio. The Laws of the First Philippine Republic. Maynila: National Historical Institute, 1994.

“La Velada del Club Filipino.” La Independencia (Maynila) Disyembre 31, 1898, p. 2.

Public Laws, Annotated. Una at Ikalawang Tomo. Lungsod ng Quezon: Unibersidad ng Pilipinas. Pinamatnugutan ni Sulpicio Guevarra.

Villadez, P. P. “Notas de la semana.” La Independencia (Maynila) Disyembre 31, 1898, p. 1. ●


Miyerkules, Nobyembre 25, 2015

More On the Term Filipino



 

 
Your Name Is Your Identity

 
Pepe wailed that I have yet to make a clear-cut definition of the term Filipino. Says he with a palpably suppressed vehemence:

 
But Royeca, for FAILING to CATEGORICALLY define what a Filipino is, simply opted to beat around the bush. Nevertheless, I should not be too hard on him even if he belittled my use of poetry as a source material. After all, he has already boxed himself to the shock of encountering Fr. Chirino’s definition of Filipino. So I’ll just let him enjoy this refractory period of his.
 

“Remember, boys and girls: declaring a historical evidence to the public to point out something is not enough. It always has to be interpreted with a good amount of critical thinking. And to end this, Royeca (and his partner Nonoy Regalado) should understand that IDENTITY has to stand on what you call YOURSELF and not what others CALL YOU.”

 
I wonder where Pepe picked up this rule: “IDENTITY has to stand on what you call YOURSELF and not what others CALL YOU.”

 
Pepe must know that when it comes to identity, this is the universal rule and practice: Once a baby is born, his parents give him a name, and that name becomes his identity, even if he still does not know that it is his name and it is the name that he is supposed to call himself. This rule and practice has been with humanity since the emergence of civilization. While the rule Pepe wants to inject into our veins is a recent philosophy.

 
Let us make Pepe himself an example for this universal rule and practice. When Pepe was born, his parents gave him the name Pepe. Since then, that has already become his name, his identity, and what he is supposed to call himself. But being an infant then, Pepe was not yet aware that it was already his name, his identity, and what he was supposed to call himself.

 
Just because Pepe was not yet aware then that Pepe was his name, his identity, and what he was supposed to call himself, then Pepe was not yet his name, identity, and what he was supposed to call himself?

 
When will Pepe finally become his name, his identity, and what he is supposed to call himself? Only when he becomes aware that it is his name, his identity, and what he is supposed to call himself?


 

The Term Filipino

 
            I have already made my concrete stand on what a Filipino is and who the first Filipinos were on this blog, The Term Filipino: A Question of Identity. Let me repeat what I said on this blog about the term Filipino:

 
“The manner of using the term Filipino to refer to the natives of the Philippines is similar to the manner of giving a new-born baby his name.

 
“When a baby is born, his parents give him a name; for example, Mark. Although the baby is not yet conscious that his name is Mark and that he is thus called, that name is already his identity. It would be senseless to assert that because the baby is not yet aware of his name, his name is not yet his identity and that his name will only become his identity once he becomes aware that it is indeed his name.

 
“Only the brainless will say: ‘This baby is named Mark, but his name is not yet his identity because being a baby, he is not yet aware of his name.’”


 

An Established Fact

 
Pepe charged that I was merely making an opinion when I said that “poems belong to the ambit of creative literature; they can be purely fictional.”

 
I was not endorsing an opinion there. I was restating an established fact. Poems are really fictional creations. Even if they are written in a straightforward language, they are still not definitive material for historical research, unless the subjects of the research are the poems themselves.

 

 
Poetry: Unreliable Source

 
We, students of history, learn that poems are not primary sources; hence, they cannot be reliable material for historical research. The historian may cite them to indicate what people believed in during a particular period of history. For example:

 
“Ancient Filipinos believed that the first man and the first woman came out of reeds, and this belief is recorded in their epic poetry.”

 
The historian may write stuff like that, but no historian in his right mind would dare make an embarrassing blunder like this:

 
“The very first Filipino man and the very first Filipino woman were undeniably created out of reeds, because the epic poetry of ancient Filipinos said so.”

 
As to the poem of Luiz Rodriguez Varela, a historian may quote it and elucidate something like this:

 
“An insular from Tondo, Manila, Luis Rodriguez Varela, wrote a poem in 1812 which flagrantly declared that the first Filipinos were the peninsulares.”

 
But again, no historian whose sanity has not yet fallen towards his bottom will claim a supposition like this:

 
“It is indisputably clear that the first Filipinos were the peninsulares because Luis Rodriguez Varela, an insular from Tondo, Manila, wrote a poem in 1812 which said it so.”

 

 
Varela vs. Chirino et al.

 
For Pepe, the poem of Luis Rodriguez Varela is more authoritative than the accounts of Spanish missionaries like Fr. Pedro Chirino, Fr. Francisco Colin, Fr. Ignacio Francisco Alcina, and Fr. Juan Francisco de San Antonio.

 
Pepe must also be reminded that during Spanish rule of the Philippines, the Church and State were united to act as the government of the Philippine Islands. The act of one had the knowledge and consent of the other.

 
The accounts of Spanish missionaries were official because those missionaries were working under the Spanish colonial government of the Philippine Islands. Thus, those accounts are authoritative.

 
Varela must not have read those accounts. Hence, he wrote a poem which innocently or stupidly stated that the first Filipinos were the peninsulares. And now we have a Pepe who holds firm—with a die-hard passion—to that innocent or stupid mistake of Varela. Says Pepe:

 
These were Miguel López de Legazpi and those peninsular Spaniards, both military and friar, who were with him, who opted to stay here and die here. In effect, they ceased to become Spaniards. They became Felipenos or those who saw King Felipe II as their sovereign (in the same vein that the vassals of Carlos XI of Sweden were called Carolinos, the vassals of King Fernando VII Fernandinos, and so on and so forth).”

 
Can Pepe show any document proving that Legazpi and the other first peninsulares in the Philippines called themselves Felipenos? If there is such a document, then that is a primary source, our discussion will be put to an end, and Pepe wins the argument. But if Pepe can only cling on to a pedestrian poem, then we are in danger of being fed with another defective theory in Philippine history.

 

 
Jose and José

 
Let me point out that the name Jose is not spelled incorrectly. Rizal usually used José, but there were instances when he also used Jose. Pepe should consult books which contain facsimiles of Rizal’s handwritten letters, manuscripts, and other writings, like the following:

 
Diarios y Memorias por Jose Rizal

Cartas Entre Rizal y los Miembros de Familia

Cartas Entre Rizal y el Professor Fernando Blumentritt

Escritos Politicos e Historicos por Jose Rizal

Facsímiles de los Escritos de Jose Rizal

 

 
Individual Opinion

 
We live in a country whose Constitution guarantees freedom of expression for the citizens. With this rock-solid civil right, everyone is entitled to his own thoughts and opinion.

 
As one person who prefers a genteel discourse and abhors mobocracy, I always respect other people’s beliefs and preferences. And so, to make Pepe gravitate towards my findings on what the term Filipino is and who the first Filipinos were, I will not lift a slab of concrete, present it before him, smash it on his head with all my might, and tell him, “Hey, this is what really happened!”

 
Let individual opinions—including shoddy opinions—stand.

 

Martes, Nobyembre 24, 2015

Opisyal na Nagkaroon ng Araw ni Bonifacio Dahil sa Isang Amerikano



OPISYAL na nagkaroon ng pagdiriwang ng Araw ni Bonifacio (Bonifacio Day), dahil sa isang batas na inaprubahan ng isang mananakop na pinunòng Amerikano.
Noong 1921, nilagdaan ng Amerikanong Gobernador Heneral na si Francis B. Harrison ang batas (Akta Publika Blg. 2946) na nagdedeklara sa ika-30 ng Nobyembre (araw ng kapanganakan ni Bonifacio) bílang Araw ni Bonifacio, dahil ayon sa batas na ito, si Bonifacio ang “bayaning pangalawa kay Rizal” at “bayani sa gawaing para sa kalayaan at kasarinlan.”
Ang batas na iyon na nilagdaan ni Harrison ang kauna-unahang batas na nagtatakda sa ika-30 ng Nobyembre bílang isang pambansang pista opisyal. Ang mga sumunod pang batas tungkol sa Araw ni Bonifacio ay pagtalima na lámang sa pinasimulan ng batas na iyon—ang pagdiriwang sa ika-30 ng Nobyembre bílang isang pista opisyal.

Ang Paggawa ng mga Batas
Sa panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas (1898-1946), ang kagawaran ng pamahalaan na may kapangyarihang magpanukala, magbalangkas, at magpása ng mga batas ay ang batasan na tinatawag na Philippine Assembly (Kapulungan ng Pilipinas) noong 1907-16, Philippine Legislature (Batasan ng Pilipinas) noong 1916-35, National Assembly (Batasang Pambansa) noong 1935-40, at Congress (Kongreso) noong 1940-46. Ang mga kasapi nito ay mga Pilipino na inihahalal ng mga botanteng Pilipino.
Subalit ang may kapangyarihan na sang-ayunan o i-veto (hindi aprubahan) ang isang panukalang batas ay ang Gobernador Heneral na Amerikano, na siya ring tumatayông pinunò ng Pilipinas. Kung sang-ayon ang Gobernador Heneral sa isang panukalang batas ng mga mambabatas, lalagdaan niya iyon upang maging ganap nang batas. Kung ibe-veto niya, hindi magiging batas ang isang panukalang batas.
Sa panahon ng panunungkulan ni Harrison bílang gobernador heneral (1913-21), limang panukalang batas ng Philippine Legislature ang kanyang nai-veto. Ang pumalit sa kanya na si Leonard Wood ay may nai-veto na 16 na panukalang batas sa unang taon nito. Mahigit 100 panukalang batas ang nai-veto lahat ni Wood sa loob ng kanyang panunungkulan (1921-27).

Inaprubahan ng Isang Amerikano
Si Sen. Lope K. Santos ang nagpanukala sa Batasan ng Pilipinas ng isang batas na magdedeklara sa ika-30 ng Nobyembre bílang Araw ni Bonifacio. At si Harrison ang nag-apruba sa panukalang batas na iyon.
Kung hindi nilagdaan ni Harrison, hindi magiging batas ang panukalang iyon. At kung sakaling ang panukalang batas na iyon ni Santos ay napabílang sa limang batas na nai-veto ni Harrison, hindi talaga magkakaroon ng Araw ni Bonifacio. Subalit dahil nga sa pagsang-ayon at lagda ng isang mananakop na pinunòng Amerikano, nagkaroon ng gayong pista opisyal.

Ang Opisyal na Pagtatanghal kay Bonifacio Bilang Bayani
Upang opisyal na maitanghal na bayani ang isang tao, may mga batas na ipinapása at ipinatutupad ang pamahalaan. Hindi kasi maaaring ang isang dakilang tao ay manatiling bayani sa salita lámang. Kailangang maging opisyal ang pagkilala ng pamahalaan at sambayanan sa pagiging bayani niya sa pamamagitan ng mga batas.
Ang mga sumusunod na batas at hakbang ay isinagawa upang opisyal nang maitanghal na isang bayani si Bonifacio:
1. Akta Publika Blg. 2760—ang batas na magpapagawa ng isang Pambansang Monumento ni Bonifacio sa Lungsod ng Caloocan. Nilagdaan ito ng Amerikanong Gobernador Heneral na si Francis B. Harrison upang ganap na maging batas noong 1918.
2. Akta Publika Blg. 2946—ang batas na nagdedeklara sa ika-30 ng Nobyembre  (araw ng kapanganakan ni Bonifacio) bílang Araw ni Bonifacio (Bonifacio Day), dahil ayon sa batas na ito, si Bonifacio nga raw ang “bayaning pangalawa kay Rizal” at “bayani sa gawaing para sa kalayaan at kasarinlan.” Nilagdaan nga rin ito ni Harrison upang maging ganap nang batas noong 1921.
3. Akta Publika Blg. 3602—ang batas na naglalaan ng ₱97,000 para sa Pambansang Monumento ni Bonifacio sa Caloocan. Nilagdaan naman ito ng Amerikanong Gobernador Heneral na si Dwight F. Davis upang maging ganap na ring batas noong 1929.
4. Nob. 30, 1933—Binigyang-parangal na ang bágong-gawa na Pambansang Monumento ni Bonifacio sa Caloocan.

Isang Kasinungalingan
May isang kasinungalingan tungkol kay Bonifacio na matagal nang ipinakakalat ng ilang tao. Noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas, hindi raw pinayagan ng mga Amerikano na maideklarang isang bayani si Bonifacio, dahil banta raw sa pananakop ng Estados Unidos ang imahe niyang mapanghimagsik.
Kapag ginaya raw ng mga Pilipino ang imahe ni Bonifacio, magrerebelde raw silá laban sa pananakop ng Estados Unidos. Kayâ, sa pangkalahatan, hindi raw hinikayat ng mga Amerikano na dakilain bílang bayani si Bonifacio. Ipinagwalang-bahala at isinantabi raw siya.
Subalit kítang-kítang naman mula sa mga talâ ng kasaysayan na pinayagan ng mga mananakop na Amerikano na ituring si Bonifacio na isang bayani. Kung banta si Bonifacio at ang kanyang diwang mapanghimagsik sa pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas, kung ang imahe ni Bonifacio ay ang makipaglaban para sa kalayaan at kasarinlan, at kung hindi hinikayat ng mga Amerikano na dakilain bílang bayani si Bonifacio, bakit pumayag ang mga Amerikano na si Bonifacio ay:
1. Maitanghal bílang ang “bayaning pangalawa kay Rizal” at “bayani sa gawaing para sa kalayaan at kasarinlan”?
2. Magkaroon ng isang pambansang pistal opisyal?
3. Maging isa sa dadalawang Pilipino na may pambansang pista opisyal (ang isa pa ay si Rizal)?
4. Magkaroon ng isang pambansang monumento—monumento na makikíta at titingalain ng mga Pilipino?
5. At maging isa sa dadalawang Pilipino na may pambansang monumento (ang isa pa ay si Rizal)?

Mga Argumento
Ang argumento ng mga anti-Rizal ay si Rizal daw ay American-sponsored national hero o ang pinili ng mga Amerikano na maging pambansang bayani, dahil naging pambansang bayani raw siya sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at mga Amerikano raw ang nag-apruba sa kanyang pagiging pambansang bayani. Kung susundan ang argumentong iyan, mabubuo ang panibagong argumento na ito:
Dahil naitanghal si Bonifacio bílang isang bayani sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, at mga awtoridad na Amerikano pa ang sumang-ayon sa pagtatanghal sa kanya bílang isang bayani, masasabi bang si Bonifacio ay isang American-sponsored hero o bayaning ang pagiging bayani ay inimbento ng mga Amerikano?

Talâsanggunian
Agoncillo, Teodoro A. History of the Filipino People. Lungsod ng Quezon: R.P. Garcia Publishing Co., 1960.
Public Laws, Annotated. Lungsod ng Quezon: Unibersidad ng Pilipinas. Sulpicio Guevarra, patnugot.

Zaide, Gregorio F. The Pageant of Philippine History. Ikalawang Tomo. Maynila: Philippine Education Company, 1979.