Sa pagsasahimpapawid ng isang nangungunang programang pambalitaan
sa telebisyon kahapon, Biyernes, ika-28 ng Abril, may isang ulat tungkol sa mga
nakatatawa at nakadidismayang mali-maling Ingles sa iba't ibang lugar sa ating
bansa. Ang karamihan sa mga pagkakamaling iyon ay matatagpuan sa mga patalastas
ng mga produkto at serbisyo. Subalit ang nakalulungkot sa naturang ulat ay ang
kongklusyon ng reporter:
"Mali-maling Ingles ... ano pa nga ba kundi only in the
Philippines!"
Nakalulungkot ang kongklusyong iyon, dahil ang totoo ay hindi lámang
sa Pilipinas matatagpuan ang mga mali-maling Ingles. Tunghayan natin ang ilang
halimbawa.
Sa Gran Britanya (ang pinagmulan ng Ingles):
"English has a legal or official status or heavy influence in
115 countries. Language Today lists it as the most influential language
in the world. But in its birthplace, the home of some of its greatest orators,
Britain's last great institution is vanishing. An entire segment of British
society is unable to communicate effectively.
"University professors are finding that many of their
students cannot communicate effectively at all. 'Spelling and punctuation is
only part of the problem,' said Prof. Tony Marcel. 'Their vocabulary is poor
and mistaken; they have little idea of syntax, cannot punctuate, and seem to
have no idea of what constitutes a sentence.'
"The Telegraph reports that 'thousands of children
leave school too innumerate and illiterate to hold down a job.' Illiteracy
equals unemployment."
—Richard Palmer, "The Incomprehensible Generation," The
Philadelphia Trumpet (Edmond, Oklahoma), April 2009, p. 15.
Sa Estados Unidos:
"I hear ... many hirers and employers complain about
constantly finding résumés that have multiple grammatical, spelling or various
other language usage errors. In fact, in a survey I took a few years ago,
scores of hirers, HR managers, employers and recruiters unanimously proclaimed
that—even with automatic spell-check embedded in our word processors—this was
still the most common problem they had with résumés."
—Jesse Frederick, "Does Your Résumé Demand Attention?" The
Philadelphia Trumpet (Edmond, Oklahoma), February 2012, p. 15.
Sa Tsina:
Nang idaos sa Beijing, Tsina, ang Palarong Olimpiko noong Agosto
2008, naging isang isyu ang Chinglish, o ang mali-maling pag-iingles ng
mga Tsino. Gumawa ng mga hakbang ang pamahalaan ng Tsina upang hindi ito
makapagdulot ng mga kalituhan sa mga dayuhan.
Bilang karagdagan sa mga mali-maling Ingles sa iba pang panig ng
mundo, maaaring tunghayan ang Web site na ito: http://www.joe-ks.com/Engrish.htm.
Ang mga nagsasabi na sa Pilipinas lámang nangyayari ang mga
mali-maling Ingles ay:
1. Mga sinungaling, dahil hindi naman ito totoo;
2. Makikitid ang isip, dahil sa dinami-rami ng bansa sa buong
mundo, mahigit 200, ang Pilipinas lámang ang naiisip nilang may pagkakamali, at
hindi na makalabas mula sa ganoong pagtanaw ang kanilang mga isip;
3. Mga iresponsable, dahil hindi naman nila iniisa-isa ang mahigit
200 iba pang bansa upang matiyak na sa Pilipinas lámang talaga ang mga
kamaliang ito;
4. Matitigas ang mga ulo, dahil ipinababatid na nga sa kanila at
sa gayon ay alam na nila na hindi lámang sa Pilipinas ang mga kamaliang ito,
aba'y pilit pa ring ipinalulunok sa madla ang kasinungalingang ito;
5. Makakapal ang mga mukha, dahil sa harap-harapang
pagsisinungaling at pagiging iresponsable;
6. At mga walang modo, dahil nilalabag nila ang pangunahing
tungkulin ng pamamahayag: Ang ipaalam at ituro sa madla ang kung ano ang totoo
at tama.
Ang ugaling ito na pagsasabi ng "only in the Philippines"
bilang isang tugon sa mga maling bagay na nangyayari sa ating bansa ay isang
malala nang sakit ng maraming peryodista, komentarista, at iba pang
indibiduwal. Isang sakit na bunga ng kanilang pagiging mga sinungaling,
makikitid ang isip, iresponsable, matitigas ang ulo, makakapal ang pagmumukha,
at walang modo.
Ituwid na lamang natin ang mga mali-maling Ingles natin. At kung
magkakamali pa rin, ituwid pa rin natin.