Sa pagsasahimpapawid ng isang
nangungunang programang pambalitaan sa telebisyon kahapon, Biyernes, ika-28 ng
Abril, may isang ulat tungkol sa mga nakatatawa at nakadidismayang mali-maling
Ingles sa iba't ibang lugar sa ating bansa. Ang karamihan sa mga pagkakamaling
iyon ay matatagpuan sa mga patalastas ng mga produkto at serbisyo. Subalit ang
nakalulungkot sa naturang ulat ay ang kongklusyon ng reporter:
"Mali-maling Ingles ...
ano pa nga ba kundi only in the Philippines!"
Nakalulungkot ang
kongklusyong iyon, dahil ang totoo ay hindi lámang sa Pilipinas matatagpuan ang
mga mali-maling Ingles. Tunghayan natin ang ilang halimbawa.
Sa Gran Britanya (ang
pinagmulan ng Ingles):
"English has a legal or
official status or heavy influence in 115 countries. Language Today
lists it as the most influential language in the world. But in its birthplace,
the home of some of its greatest orators, Britain's last great institution is
vanishing. An entire segment of British society is unable to communicate
effectively.
"University professors
are finding that many of their students cannot communicate effectively at all.
'Spelling and punctuation is only part of the problem,' said Prof. Tony Marcel.
'Their vocabulary is poor and mistaken; they have little idea of syntax, cannot
punctuate, and seem to have no idea of what constitutes a sentence.'
"The Telegraph reports
that 'thousands of children leave school too innumerate and illiterate to hold
down a job.' Illiteracy equals unemployment."
—Richard Palmer, "The
Incomprehensible Generation," The Philadelphia Trumpet (Edmond,
Oklahoma), April 2009, p. 15.
Sa Estados Unidos:
"I hear ... many hirers
and employers complain about constantly finding résumés that have multiple
grammatical, spelling or various other language usage errors. In fact, in a
survey I took a few years ago, scores of hirers, HR managers, employers and
recruiters unanimously proclaimed that—even with automatic spell-check embedded
in our word processors—this was still the most common problem they had with
résumés."
—Jesse Frederick, "Does
Your Résumé Demand Attention?" The Philadelphia Trumpet (Edmond,
Oklahoma), February 2012, p. 15.
Sa Tsina:
Nang idaos sa Beijing,
Tsina, ang Palarong Olimpiko noong Agosto 2008, naging isang isyu ang Chinglish,
o ang mali-maling pag-iingles ng mga Tsino. Gumawa ng mga hakbang ang
pamahalaan ng Tsina upang hindi ito makapagdulot ng mga kalituhan sa mga
dayuhan. Tunghayan ang mga sumusunod na larawan:
Bilang karagdagan sa mga
mali-maling Ingles sa iba pang panig ng mundo, maaaring tunghayan ang Web
site na ito: http://www.joe-ks.com/Engrish.htm.
Ang mga nagsasabi na sa
Pilipinas lámang nangyayari ang mga mali-maling Ingles ay:
1. Mga sinungaling, dahil
hindi naman ito totoo;
2. Makikitid ang isip, dahil
sa dinami-rami ng bansa sa buong mundo, mahigit 200, ang Pilipinas lámang ang
naiisip nilang may pagkakamali, at hindi na makalabas mula sa ganoong pagtanaw
ang kanilang mga isip;
3. Mga iresponsable, dahil
hindi naman nila iniisa-isa ang mahigit 200 iba pang bansa upang matiyak na sa
Pilipinas lámang talaga ang mga kamaliang ito;
4. Matitigas ang mga ulo,
dahil ipinababatid na nga sa kanila at sa gayon ay alam na nila na hindi lámang
sa Pilipinas ang mga kamaliang ito, aba'y pilit pa ring ipinalulunok sa madla
ang kasinungalingang ito;
5. Makakapal ang mga mukha,
dahil sa harap-harapang pagsisinungaling at pagiging iresponsable;
6. At mga walang modo, dahil
nilalabag nila ang pangunahing tungkulin ng pamamahayag: Ang ipaalam at ituro
sa madla ang kung ano ang totoo at tama.
Ang ugaling ito na pagsasabi
ng "only in the Philippines" bilang isang tugon sa mga maling
bagay na nangyayari sa ating bansa ay isang malala nang sakit ng maraming
peryodista, komentarista, at iba pang indibiduwal. Isang sakit na bunga ng
kanilang pagiging mga sinungaling, makikitid ang isip, iresponsable, matitigas
ang ulo, makakapal ang pagmumukha, at walang modo.
Ituwid na lamang natin ang
mga mali-maling Ingles natin. At kung magkakamali pa rin, ituwid pa rin natin.