Linggo, Oktubre 11, 2015

May Dalawang Mukha si Apolinario Mabini, ang Dakilang Lumpiya, este, Lumpo palá

 
 
Nang si Apolinario Mabini ay bahagi pa ng pamahalaan ni Hen. Emilio Aguinaldo (mula Hunyo 1898 hanggang Disyembre 1899), may mga sinasabi siya tungkol kay Hen. Antonio Luna na sagaran niyang pinaninindigan.
 
Sa isang liham kay Aguinaldo na may petsang ika-6 ng Marso 1899, sinabi ni Mabini:
 
“Mr. President: Many complaints have been directed to us here against the abuses committed by General Luna. People say that he published an edict a few days ago threatening to shoot without due process of law those who would violate his orders. In Bocaue, he ordered a Chinese shot without due process of law. …
 
“If you can put another in his place, it would be much better.”
 
Sa isa pang liham kay Aguinaldo na may petsang ika-7 ng Marso 1899, idinagdag ni Mabini:
 
“Mr. President: Do not offer Luna the undersecretaryship of war, which was formerly the directorship, because we need for that post someone who understands office work, the organization of the army, and the laws governing war. …
 
“If he is not good for the army, the less he will be for the office, because he is a despot. …
 
“He is a chemist and knows something about trenches, but he will not do for politics and law.”
 
Nang mapatay si Luna ng mga tauhan ni Aguinaldo noong ika-5 ng Hunyo 1899, halos magalak si Mabini. Sa isang liham kay Dr. Isidoro de Santos na may petsang ika-25 ng Hulyo 1899, sinabi ni Mabini:
 
“Among us, although I deplore and condemn the violent death of Luna, his demise had warded off a threatening tempest. Luna aimed high, convinced maybe that he was more cultured than ‘Puno’ (Aguinaldo) … That is why he aspired to the presidency of the Council with the portfolio of war.”

 
Nag-iba ang Ihip ng Hangin
 
Nang si Mabini ay nadakip ng mga mananakop na Amerikano at itinapon sa Guam (mula Enero 1900 hanggang Peb. 1902), at sa gayon ay wala na sa gobyerno ni Aguinaldo, iba na ang mga sinasabi niya tungkol kay Luna at maging kay Aguinaldo mismo. Sa kanyang aklat na La Revolucion Filipina (Ang Himagsikang Pilipino), na inumpisahan niyang isulat nang nása Guam siya, sinabi niya:
 
“To say that if Aguinaldo, instead of killing Luna, had supported him with all his power, the Revolution would have triumphed, would be presumption indeed, but I have not the least doubt that the Americans would have had a higher regard for the courage and military abilities of the Filipinos. Had Luna been alive, I am sure that Otis’s mortal blow would have been parried or at least timely prevented, and Mr. Aguinaldo’s unfitness for military command would not have been exposed so clearly….
 
“To sum it up, the Revolution failed because it was badly led; because its leader won his post by reprehensible rather than meritorious acts; because instead of supporting the men most useful to the people, he made them useless out of jealousy.”

 
Lumpiya nga
 
Iyan si Mabini, ang paninindigan ay hindi matibay at malambot—para ngang lumpiya. Dalawa ang ipinakita niyang mukha sa kasaysayan: Todo-suporta dati kay Aguinaldo, pero sa bandang hulí ay pakasumpa-sumpa na niya ito.
 
Ang hinuha ng marami, nagbago raw ng pananaw si Mabini nang nása Guam na siya, dahil nakasalamuha raw niya roon ang mga tao na nakaaalam tungkol sa nangyari kina Aguinaldo at Andres Bonifacio. Doon na raw talagang nalaman ni Mabini ang mga tunay na pangyayari; kayâ, kinondena na niya si Aguinaldo mula noon.
 
Hindi ito katanggap-tanggap. Nang nása poder pa ni Aguinaldo, alam ni Mabini ang alitan sa pagitan nina Aguinaldo at Bonifacio. Alam din niya na may kinalaman si Aguinaldo sa pagkakapatay kay Bonifacio.
 
Noong Nobyembre o Disyembre 1898, tumanggap si Mabini ng isang liham mula kay Emilio Jacinto, ang dáting kanang-kamay ni Bonifacio. Gustong magpatalâ ni Jacinto bílang mag-aaral ng abugasya sa Pamantasan ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, ang himpilan ng pamahalaan ni Aguinaldo. Nagtatanong ito kay Mabini kung maaari siyang makapag-aral doon, nang hindi magagambala ni Aguinaldo at ng mga kakampi nito.
 
Sumagot naman si Mabini kay Jacinto sa isang liham na may petsang ika-17 ng Disyembre 1898. Sinabi niyang may inutusan siyang isang tao upang tanungin si Aguinaldo tungkol sa “mga nangyari sa nakaraan.” Sumagot naman si Aguinaldo na maaring magpunta sa Malolos si Jacinto nang walang sinumang mananakit dito. Idinagdag ni Mabini na sinabi pa ni Aguinaldo na kalimutan na raw ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan.

 
Tipikal na Politiko
Ang sa akin naman, isang tipikal na politiko si Mabini. Nang nása poder pa siya ni Aguinaldo, at nakikinabang sa kapangyarihan ng pamahalaan, todo-suporta siya kay Aguinaldo. Subalit nang wala na siya sa gobyerno, at wala nang napakikinabangang anumang yaman ng pamahalaan, kinondena na niya si Aguinaldo.
 
Katulad na katulad siya ng maraming politiko sa panahon natin ngayon.
 
 
Poncio Pilato
 
Bukod sa pagiging isang tipikal na politico, si Mabini ay sa ring Poncio Pilato.
 
Kaduda-duda kasi kung bakit nagpasirko-sirko sa kanyang pananaw kay Aguinaldo itong si Mabini. Pakapuri-puri niya kay Aguinaldo nang nása poder pa siya ng gobyerno nito, pero sa bandang hulí ay inalipusta na niya.

Mula Hunyo 1898 hanggang sa kasagsa
gan ng himagsikan, bahagi si Mabini ng gobyerno ni Aguinaldo. Siya pa nga ang pangunahing tagapáyo ni Aguinaldo. Marami sa mga kautusang nilagdaan ni Aguinaldo ay si Mabini ang nagbalangkas. Sa pangkalahatan, kung nagtagumpay ang himagsikan at ang gobyerno ni Aguinaldo, bahagi rin sa tagumpay si Mabini.

Kayâ nga lámang, bumagsak ang himagsikan at ang gobyerno ni Aguinaldo. Bahagi rin dapat ng pagbagsak at paninisi si Mabini. Tutal, naging malaki naman ang papel na ginampanan niya sa gobyerno ni Aguinaldo.

Pero, ano ang ginawa ni Mabini? Sa halip na akuin at makibahagi sa kabiguan ng himagsikan at gobyerno ni Aguinaldo, nag-ala-Poncio Pilato siya. Naghugas-kamay sa harapan ng madla. Iniligtas niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng katakot-takot na pangyuyurak sa dangal ni Aguinaldo:

Wala siyang kasalanan. Wala siyang kinalaman. Huwag siyang sisihin. Si Aguinaldo ang may kasalanan ng lahat. Si Aguinaldo ang dapat usigin. Mámamatáy-tao. Sakim. Gahaman. Hidhid. Si Aguinaldo, si Aguinaldo, si Aguinaldo.

Ganyan din ang ginawa ni Artemio Ricarte. Nanduro ng iba, at inilayo ang sarili sa pang-uusig ng madla.
 
 
Sanggunian
 
Apolinario Mabini, The Philippine Revolution, Maynila: National Historical Commission, 1969, p. 63. Salin sa Ingles ni Leon Ma. Guerrero.
 
The Letters of Apolinario Mabini, Maynila: National Heroes Commission, 1965, pp. 81, 132, 135, 201.