Linggo, Oktubre 11, 2015

Bayani Ba Si Hen. Antonio Luna?

 
 
Bayani ba si Hen. Antonio Luna? Ano ba ang lagay niya sa ating kasaysayan?
 
 
1. Walang panalong heneral
 
Si Luna raw ang pinakamabagsik at pinakamatapang na Pilipinong heneral. Ngunit hindi siya kailanman nagwagi ng kahit na isang laban man lámang noong Himagsikan laban sa Espanya (1896-98) at Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1906).
 
Hindi siya tulad ni Hen. Emilio Aguinaldo na nagwagi laban sa mga hukbong Espanyol sa Labanan sa Imus, Cavite (Set. 5, 1896); Labanan sa Binakayan, Cavite (Nob. 9-11, 1896); at Labanan sa Bundok Puray, Montalban (Hunyo 14, 1897).
 
Hindi rin siya tulad ni Hen. Gregorio Del Pilar na nagwagi laban sa mga hukbong Amerikano sa Labanan sa Quingua, Bulacan (Abril 23, 1899).
 
 
2. Abusadong heneral at mámamátay-tao
 
Si Luna ay mainitin ang ulo, mahilig manampal ng mga nakakasagutan niya, at walang paggalang sa karapatang pantao. Pinatunayan ito mismo ni Apolinario Mabini sa isang liham kay Aguinaldo na may petsang ika-6 ng Marso 1899:
 
“Mr. President: Many complaints have been directed to us here against the abuses committed by General Luna. People say that he published an edict a few days ago threatening to shoot without due process of law those who would violate his orders. In Bocaue, he ordered a Chinese shot without due process of law. …”
 
 
3. Mahinang Lider
 
Si Luna ay walang sapat na kaalaman sa pakikipagdigma. Ang may sabi nito ay si Mabini mismo, sa isa pang liham kay Aguinaldo na may petsang ika-7 ng Marso 1899:
 
“Mr. President: Do not offer Luna the undersecretaryship of war, which was formerly the directorship, because we need for that post someone who understands office work, the organization of the army, and the laws governing war. …
 
“If he is not good for the army, the less he will be for the office, because he is a despot. …
 
“He is a chemist and knows something about trenches, but he will not do for politics and law.”
 
Ilan lámang ang mga iyan ang tungkol sa pagkatao ni Luna. Kayâ, masasabi bang bayani siya?
 
 
Sanggunian
 
The Letters of Apolinartio Mabini, Maynila: National Heroes Commission, 1965, pp. 132, 135.